Mga kawani at opisyal ng NFA humirit ng 16 libong national minimum wage

Nagpahayag ng pagka dismaya sa gobyerno ang maraming kawani at opisyales ng National Food Authority (NFA) na nagsagawa ng pagtitipon-tipon sa NFA Gulayon, Dipolog City, kahapon.

Sa naturang pagtitipon na pinangunahan ni National Officer of NFA and Employees Association, Max Torda, nanawagan sa gobyerno ni President Aquino ang mga kawani at opisyales ng NFa na nagmula pa sa Region 1 hanggang Caraga Region at Zamboanga peninsula na gawing makatarungan at pantay-pantay ang pag-omento sa sahod.