Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Real, Quezon muling nagsagawa ng paglilinis sa dalampasigan

REAL, Quezon (Eagle News) – Matapos isagawa ang paglilinis sa Kinanliman River ay muling nagsagawa ng “Clean-up Drive” sa tabing-dagat ng Brgy. Kinalumbakan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Distrito ng Quezon North. Sumama din sa aktibidad ang mga ministro at ang kanilang maybahay at mga anak.

Layunin ng aktibidad na lalong mapaganda at maging malinis ang mga dalampasigan upang pakinabangan ng mga mamamayan at maging ng mga nasa karatig lalawigan na ang hanap ay ang tahimik na mga lugar kung saan maaaring isagawa ang family bonding o mga aktibidad na angkop sa mga kompanya at barkada.

Masaya ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nakipagkaisa sa nasabing aktibidad. Sumama sa paglilinis ang kapitan at mga konsehal ng nasabing Barangay.

Courtesy: Nice Gurango – Real, Quezon Correspondent

850515401_127793_15491036147668709646

850515960_126559_5133648594799574425

850519364_122407_15158878524707862241

850615717_18895_11501924123598592537

850617103_18878_2649334112785001127

850617396_19415_17370923517124929145

850617426_19431_16564531525073556677

850620828_20390_4359433267516260028

851426529_21704_5705669692645305015

851439834_12189_16384752409186602317

851439856_11216_13555973929464279712