Mga estudyante sa mga paaralan sa Guinobatan na sakop ng suspensyon ng klase, problemado

/Eddie Ojano/Eagle News Service/

Ni Eddie Ojano
Eagle News Service

GUINOBATAN, Albay (Eagle News) – Dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon, suspendido na ang klase sa mga paaralan sa ilang barangay sa Guinobatan.

Dahil dito problemado ngayon ang mga apektadong estudyante kung paano at saan nila maipagpapatuloy ang pagpasok sa klase.

Kabilang sa mga barangay na sakop ng suspensyon ang Maipon, Tandarora, Masarawag, Maninila, Dona Tomasa, Muladbucad Pequeno at Muladbucad Grande.

Suspendido rin ang klase sa mga evacuation center gaya ng Guinobatan West Central School, Guinobatan West Central School, Binogsacan Elementary School at Lower Binogsacan High School.

Kaugnay nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga pinuno ng mga apektadong paaralan sa mga kinauukulan partikular na sa sangay ng Department of Education (DepEd) na nakasasakop sa kanila.

Nakapagsagawa na rin ng pagpupulong ang mga pinuno sa mga guro sa mga apektadong paaralan upang makapaghanda sa pagbabalik ng klase.