Mga estudyante ng EVSU pinangunahan ang blood donation; Ormoc City Mayor Gomez, isa sa nagdonate

ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Masayang pinangunahan ng mga estudyante ng Eastern Visayas State University (EVSU) Ormoc City Campus ang blood donation noong Martes, July 19, 2016 na isinagawa sa Function Hall ng nasabing unibersidad.
Para sa mga mag-aaral ang ganitong aktibidad ay napakalaking tulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na may karamdaman na nangangailangang masalinan ng dugo.
Bakas sa mga mukha ng mga donor ang kagalakan na makatulong at makasagip ng buhay ng kanilang kapwa-tao sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanilang dugo.
Isa sa mga nag-donate ng dugo ay ang sikat na aktor na ngayon ay siyang Mayor ng Lungsod ng Ormoc si Richard Gomez.

Samantala, ipinaabot naman ng City Blood Council ng Ormoc City ang kanilang taos-pusong pagpapasalamat sa lahat ng donors at maging sa pangasiwaan ng EVSU-Ormoc City.

Courtesy: Kimberly Urboda – Ormoc City Correspondent

20160719_111635_321808980227654021

20160719_111053_321808980227654013