Mga dapat isagawa sa operasyong “Oplan Anti-ingay” inilatag na

MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) – Inilatag na sa Meycauayan City ang mga dapat gawin sa operasyong ilulunsad nila na “Oplan Anti-Ingay” matapos ang pagpupulong nila ilang araw ang nakaraan. Nais ni Mayor Henry R. Villarica  ng Meycauayan City na isagawa na ang implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod.

Layunin nito na mabawasan ang ingay na dala sa ating kapaligiran. Para na rin ito sa kaligtasan ng mga motorista gayun din sa mga mamamayan. Ang operasyon ay nagsimula sa loob ng Barangay Saluysoy kung saan nanita at nanghuli ang awtoridad ng mga pasaway na motorista sa pangunguna ni Vice Mayor Jojo Manzano, Konsehal Bunny Velasco, kasama ang Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Bulakan, Philippine National Police – City of Meycauayan, Philippine National Police – Bulacan Highway Patrol Group (PNPHPG) at Meycauayan Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Umikot din ang kanilang grupo sa Meycauayan Highway partikular na sa may Calvario Crossing, tapat ng Meycauayan College, at Malhacan Road.

Alejandro Soriano – EBC Correspondent, Meycauayan, Bulacan

f6c7fae7-90b9-4894-a03d-b7fef214176e e9cfd189-3445-41ec-a8c2-24c97744208a de555a8f-1956-4c88-b0f5-f4e73b4a6ef6 04975503-2bf1-49f6-8e12-834c1e5e0e94 2878d5ce-f624-4789-88e5-e3848f58b076 62bbe781-5299-4342-bb12-ef56e6b88448 60dc4cbb-9487-4028-9141-e4cd3170c0c5 7c3fc4b5-594c-4c12-8268-19a567d65e23 6c911ae8-c9c5-4419-b28c-3374bb46fafc