Medical Mission sa Mariveles, Bataan

Isang medical mission ang isinagawa ng mga miyembro ng Community Investigative Support (CIS) sa Mariveles, Bataan kasama ang apat na probinsya ng Region III tulad ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at CIS Zambales.

Namigay ng libreng serbisyo medical tulad ng bunot ng ngipin, pamamahagi ng reading glasses, libreng gupit at pamimigay ng gamot.

Layunin nang isinagawang medical mission na matulungan at patuloy na mabigyan ng financial at medical assistance ang ating mga kababayan.

(Agila Probinsya Correspondent Larry Bischoco)