Medical Mission isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Sta Cruz, Laguna

Isang Medical Mission ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Sta. Cruz Laguna kung saan ay nagsagawa ng libreng dental services, namigay ng libreng gamot at Blood Donation campaign.

Layunin ng aktibidad na ito na lubos na makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng dugo, mga nais makpagpabunot ng ngipin at makakuha ng libreng gamot ang mga mamamayan.

Laking pasasalamat naman ng mga residenteng nabigyan ng lingap ng Iglesia Ni Cristo sa pagkat sila ay hindi nagsasawa sa pagtulong sa kapwa na walang anumang hinihinging kapalit.

(Agila Probinsya Correspondents Mark Cuevas, Bebi Gean Dinglasan)