Maynilad water interruption sa Las Piñas at Bacoor, Cavitec

(Eagle News) — Magkakaroon ng water interruption sa Las Piñas at Bacoor, Cavite dahil sa upgrading ng Maynilad sa Marcos Alvarez Pumping Station.

Magsisimula ang water interruption sa ganap na alas-kwatro ng hapon bukas, November 3 hanggang alas-dos ng hapon sa Biyernes, November 4.

Apektado nito ang Barangay Almanza Uno, Pilar, Talon 1 at Talon 5 sa Las Piñas at Barangay Molino 2, 3, at 7 at San Nicolas 3 Sa Bacoor, Cavite.

Pinapayuhan ang mga customer na mag-ipon ng tubig at inabisuhan ding maaaring maantala ang pagbabalik ng water supply.