Maritime police na may kasong murder, arestado sa Ipil, Zamboanga Sibugay

Ang suspect na si PO2 Pleeny Glen Climaco habang kinukunan ng larawan ng Zamboanga City PNP (Photo by: Ely Dumaboc)

Ni Ely Dumaboc
Eagle News Correspondent

IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Hindi na pumalag ang isang miyembro ng maritime police nang arestuhin ito ng Zamboanga City PNP madaling araw nitong Martes, April 3.

Kinilala ang naarestong police na si PO2 Pleeny Glen Climaco, nakadestino sa Ipil Maritime Police. Si Climaco ay isinangkot sa pagpaslang sa kanilang pinaniwalaang police asset na si Joselito Gonzaga, 34 taong gulang, sa loob ng bahay nito sa Atis Drive, Baliwasan, Zamboanga City noong Linggo, April 1.

Naaresto din sa magkahiwalay na operasyon ang tatlo pang lalaki na sina Reymark Ponce, Aldren Vintudazo Aguilar, at Anthony Alvarez sa halos kasabay na operasyon na may kaugnayan sa pagpatay sa police assets.

Nabawi mula sa apat ang tatlong mamahaling motor at mga cellphone na posibleng gamiting ebidensiya sa pagsampa ng kaso sa korte. (Eagle News Service)