Mangrove tree-planting, pinangunahan ng PNP sa Roxas, Palawan

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng mangrove tree-planting ang kapulisan sa Roxas, Palawan kamakailan.

Ito ay may temang “Tuluy-tuloy na pangangalaga ng bakawan at karagatan tungo sa sustenableng kabuhayan at kalusugan.”

Nasa mahigit 3,000 punla ng bakaw ang naitanim sa aktibidad, na pinangunahan ing hepe ng Roxas Municipal Poice Station na si PCI Aldrico Nangit, kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Naging matagumpay at mapayapa ang kabuuan ng isinagawang programa.

https://www.youtube.com/watch?v=X1tfcMZAsLk&feature=youtu.be

Anne Ramos – Eagle News Correspondent, Palawan