Malaking bahagi ng Central Pangasinan, nakararanas ng power interruption

Mga depektibong linya ng kuryente at mga poste na kasamang isinasaayos ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO), bilang bahagi ng preventive maintenance ng kooperatiba, kaugnay ng ipinatutupad na malawakang road clearing operations ng gobyerno. (Photo by Nora Dominguez)

by Nora Dominguez
Eagle News Service

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) — Nakararanas ngayon ng labing isang oras na power interruption ang malaking bahagi ng Central Pangasinan dahil sa ginagawang pagsasaayos sa mga linya ng kuryente at mga poste kaugnay ng ipinatutupad na malawakang road clearing operations ng gobyerno.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga bayan ng Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Malasiqui at San Carlos City.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz ng Central Pangasinan Electric Cooperative, bilang preventive maintenance, isinasaayos ngayon ang mga depektibong linya ng kuryente at inililipat ang mga poste na nakatayo sa loob ng 20 meters road right.

Aniya, isinabay na rin ng CENPELCO  ngayong araw ang pagkukumpuni sa Labrador 100MVA power transformer at pagpapalit ng poste sa Labrador Quibaol-Quibaol San Carlos City at Quibaol-Lingayen 69Kilovolt line segment.

Nagsimula kaninang alas-7:00 ng umaga ang power interruption at inaasahang maibabalik mamayang alas-6:00 ng gabi.

https://www.youtube.com/watch?v=vEuUcTUvKe4