Mahigit P2M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Los Baños, Laguna

(Eagle News) — Mahigit na dalawang milyong pisong halaga ng hinihinalaang iligal na droga ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police-Los Baños at Quezon City Police District sa Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna.

Huli naman sa isinagawang buy-bust operation ang tatlo katao.

Kinilala ni  PSSupt. Eleazar Pepito Matta, Provincial Director ng PNP-Los Baños ang mga suspek na sina Rossete Gatchalian, Shoaib Macarimbang at Violeta Ilao.

Nakumpiska ng mga otoridad sa kanilang tinitirhang bahay ang apat na piraso ng medium size na plastic na naglalaman ng iligal na droga, limang cellular phone, buy-bust money at isang sasakyan.

Nakakulong na ang mga suspek sa Los Baños-PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act. (Eagle News Laguna Bureau Ronaldo Duran)