Mahigit 25,000 dumalo sa isinagawang “Dakilang Pamamahayag” sa Benguet

Naging matagumpay at mapayapa ang isinagawang “Dakilang Pamamahayag” na isinagawa noong gabi ng Sabado, Setyembre 26 sa lalawigan ng Benguet.

Labing-anim na lokal na nasasakop ng distrito ng Benguet and dumalo sa nasabing pagtitipon kung saan ay umabot sa dalawampu’t limang libo, tatlong daan at apat-napu’t isa sa kabuuan ang mga naakay na mga panauhin na nakadalo sa nasabing pagtitipon sa iba’t-ibang dako ng nasabing lalawigan.

(Agila Probinsya Correspondents Eugene Panuga, Buddy Rulloda, Freddie Rulloda)