Livelihood assistance ipinamahagi sa mga katutubo sa bayan ng Tobias Fornier, Antique

TOBIAS FORNIER, Antique (Eagle News) – Pinangunahan ni Antique Governor Rhodora Cadiao ang pamamahagi ng mga maaalagaang baboy para sa mga katutubo (Indigenous People). Isinagawa nila ito sa Municipal Gymnasium sa bayan ng Tobias Fornier, Antique. Ito ay sa ilalim ng proyektong IP livelihood Assistance Program for One Antique.

Layunin din nito na maipadama ang pag-ibig at pagmamalasakit sa kanila sa pamamagitan ng tulong pangkabuhayan. Lubos ang kasiyahan ng mga napagkalooban dahil malaking tulong aniya ito sa kanilang pamilya.

Henz Presto – EBC Correspondent, Antique