Limang bahay tinupok ng apoy dahil sa sirang electric fan

Ni Josie Martinez
Eagle News Correspondent

PILAR, Bataan (Eagle News) – Limang bahay ang nasunog sa Barangay Sta. Rosa, Pilar, Bataan nitong Miyerkules, Pebrero 7 bandang 3:00 ng hapon.

 

Nagsimula diumano ang sunog sa bahay ng isang kinilalang Librada Samson ng makita ng kaniyang apo na pumutok at nagliyab ang nakasaksak nilang electric fan sa kuwarto ng kanilang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan at naging dahilan ng pagsunog sa ilan pang katabing bahay at tatlo pang maliliit na bahay sa likod nito. Inaalam pa ng Bureau of Fire na nagrescue kung ilang alarma ang sunog at kung magkano ang naging damage ng sunog.

Wala namang malubhang nasaktan o casualty sa nangyaring sunog. (Eagle News Service)