Leaflets ukol sa ‘Anti-Kidnapping Tips,’ ipinamahagi ng Carmen-PNP

CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng mga leaflets ukol sa “Anti-Kidnapping Tips” ang mga personnel ng Philippine National Police Carmen sa Surigao Del Sur, kamakailan.

Isinagawa nila ang pamamahagi sa mga barangay sa Sta. Cruz at barangay Antao.

Ang pamamahagi ay may kaugnayan sa PNP Patrol Plan 2030.

Nilalayon nito na maipaalam sa publiko, partikular sa mga magulang na maingatan at maprotektahan ang mga anak sa  krimen lalo na at nagsimula na ang pasukan.

Kalakip din sa leaflets ang hotline contact number ng himpilan ng pulisya na maaaring tawagan.

Patuloy pa rin ang panawagan ng awtoridad sa kooperasyon ng publiko upang maiwasan ang anumang krimen.

Dennis Revelo – Eagle News Correspondent, Carmen, Surigao del Sur