Laoac-PNP namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng day care sa Pangasinan

LAOAC, Pangasinan (Eagle News) — Namahagi ng school supplies ang Laoac-Philippine National Police (PNP) sa Day Care Center ng Barangay Cabilaoan West at Calmay, Laoac, Pangasinan. Ang pamamahaging school supplies ay sponsor ng tatlong butihing mamamayan ng nasabing bayan na ayaw magpakilala.
Ito ay pinangunahan ni SPO2 Abigail Somequiab, Under Cop Advise. Ayon sa kaniya ay lubos ang kanilang pasasalamat sa mga nagmagandang-loob na nag-donate ng school supplies para matulungang makapagsimulang mag-aral ang mga batang ang mga magulang ay walang sapat na kakayahan upang pag-aralin sila. Nais niyang iparating na hindi lang sa dalawang Day Care Center ang kanilang bibigyan kundi maging sa ibang paaralan din sa naturang Bayan.
Dagdag pa niya,  masarap makita ang mga ngiti sa mga batang at pati na rin ang kanilang mga magulang sapagkat ito ay malaking tulong sa kanila kung kaya nagpapasalamat din sila sa mga donors ng nasabing mga school supplies.
Ang aktibidad na ito ay isa sa mga Community Service ng kapulisan ng Bayan ng Laoac.
(Eagle News Elsie Echanes – Laoac,  Pangasinan Correspondent)
https://youtu.be/FWEK1dG465c