Korean Embassy, nagsagawa ng memorial service para kay Jee Ick Joo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng memorial service ang Korean Embassy para sa kidnap-slay victim na si Jee Ick Joo. Dinaluhan ito ng iba’t-ibang miyembro ng Korean community at mga Korean association.

Dumalo rin sa memorial service si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Oct.18 2016 nang patayin umano ng grupo ni SPO3 Ricky Sta.Isabel ang Koreanong si Jee Ick Joo sa parking lot ng pcrg sa loob ng Kampo Crame.

https://youtu.be/_bkpbPybsOI