Kennon Road sarado pa rin

Sarado parin hanggang sa araw na ito ang Kennon Road dahil sa mga landslide na nangyari sa naturang daan.

Dalawa ang patay at lima ang naitalang nasugatan sa naganap na landslide, kung saan dalawa ring sasakyan ang natabunan habang dumadaan sa naturang kalsada.

Dahil dito ay pansamantalang isinara ang Kennon Road upang makaiwas na sa ano pa mang sakuna.

(Agila Probinsya Correspondent Cesar Archer)