Kennon Road, pansamantalang bubuksan sa light vehicles

(Eagle News) — Bubuksan pansamantala sa mga light vehicle ang Kennon Road patungong Baguio City para bigyang-daan ang mga dadalo sa Philippine Military Academy Alumni Homecoming at Panagbenga festival.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, papayagang dumaan ang mga sasakyang may maximum weight na limang tonelada sa Kennon Road mula Pebrero 14 hanggang 18 at Pebrero 22 hanggang Marso 4.

Inirekomenda ng Kennon Road Task Force ang pansamantalang pagbukas sa Kennon Road para mabawasan ang bilang ng mga sasakyan na dadaan sa Marcos Highway para sa PMA Alumni Homecoming at Panagbenga festival at para makumpleto ng DPWH ang ongoing projects nito.

Nilinaw ng DPWH na ang mga paalis naman ng Baguio ay maaaring dumaan sa Marcos Highway, Naguilian Road o Asin-Nangalisan-San Pascual- Tubao Road.

https://youtu.be/GnULUIFaZns