Karagdagang CCTV cameras at LED billboards, ilalagay sa Bohol upang makatulong sa otoridad

TAGBILARAN CITY, Bohol (Eagle News) — Magkakabit  ng mga karagdagang CCTV cameras at LED billboards ang local government unit sa Tagbilaran City sa Bohol.

Ito ay upang matulungan ang mga otoridad na makilala ang mga suspek sa mga krimen na makikita sa mga security camera na pawang ipupwesto sa kanilang command center.

Walong LED billboard naman ang ilalagay sa key areas sa siyudad na gagamitin sa pagpapakalat ng impormasyon lalo na sa panahon ng sakuna.

Nakapaloob ito sa 2018 city budget ng kanilang siyudad.

(Eagle News Service Vin Pascua)

https://youtu.be/Sud4hh17XTE