Job Fair at Social Service Day isinagawa sa Cabugao, Ilocos Sur

ABRIL 29 — Sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), nagsagawa ng isang job fair sa bayan ng Cabugao sa lalawigan ng Ilocos Sur. Kasabay ng aktibidad na ito ay ang pamamahagi ng member data record sa mga PhilHealth beneficiary.

Iba’t-ibang kompanya ang nag-alok ng mga trabaho sa nasabing job fair na dinaluhan ng maraming mga kabataan sa pagnanais na makapaghanap ng magandang trabaho.

Umabot naman sa halos 5,000 ang naging beneficiary ng nasabing proyekto.

(Agila Probinsya Myrnalyn Manuel, Eagle News Service MRFaith Bonalos)