Isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang “Dakilang Pamamahayag” ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Bay, lalawigan ng Laguna noong Sabado, Setyembre 26.

Maaga pa lamang bago magsimula ang nasabing pamamahayag ay sunud-sunod na ang pagdating ng mahigit dalawampung sasakyan na sumundo at siya ring naghatid sa mga panauhin.

Mahigit sa isang libong kataong hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang dumagsa sa nasabing pamamahayag.

(Agila Probinsya Correspondents Joycy Alagao, Judith Llamera)