Isang may kapansanan sa pag-iisip, nagsauli ng bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P165,000.00 sa Tayug, Pangasinan

FB_IMG_1470648975327

Tayug, Pangasinan – Isang  may kapansanan sa pag-iisip na may mabuting kalooban ang nagsauli ng isang bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P 165,000.00 sa mga awtoridad ng Tayug, Pangasinan.

Siya ay si Ginang Lozano, isa ring  mangangalakal at residente sa nasabing lalawigan. Napulot aniya ni Lozano ang bag sa may basurahan ng palengke.

Hindi aniya siya nagdalawang isip na ibigay ito sa kinauukulan dahil hindi raw sa kanya ang perang kanyang napulot.

Sinamahan naman siya ng dating kapitan ng barangay upang iturn-over  ang nasabing pera sa Philippine National Police-Tayug.

Ikinatuwa naman ni Police Chief Inspector Marcos ang ganitong pangyayari na may ganitong  taong nagbalik ng ganito kalaking halaga ng pera.

Naniniwala ang mga tao sa kapulisan ng Tayug  na ito ay maibabalik sa tunay na may- ari.

(Eagle News Correspondent, Tayug Pangasinan, Juvy Barraca)