Isang bahay sa lalawigan ng Pangasinan, nasunog dahil sa naiwang lutuin

APRIL 28 — Nagulantang ang mga residente ng Tolentino Street, Brgy Palamis, Alaminos City, Pangasinan nang isang malaking usok ang magmula sa isang bahay ng residente na kinilala bilang si Willy Rabanal.

Ayon sa ulat, umalis umano sa kanilang tahanan si Rabanal upang mag-grocery at maaring sa pagmamadali nito ay nakalimutan niya ang kaniyang niluluto sa kaniyang kusina.

Dahil dito ay muntik ng maging abo ang kaniyang bahay kung hindi lamang maagang naagapan ng isang kagawad sa nasabing barangay.

Wala namang anumang naitalang malaking pinsala sa nangyaring insidente at agad namang naapula ang sunog.

(Agila Probinsya Correspondent Samuel Casipit, Eagle News Service MRFaith Bonalos)