Isa na namang Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Samal Island, pinasinayaan

SAMAL Island, Davao del Norte (Eagle News) — Isa na namang barangay chapel ang pinasinayaan ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. San Isidro, Babak District, Samal Island, Davao del Norte na pinangunahan ni Bro. Bever O. Bauto, District Supervising Minister ng Davao West District.

Maraming mga kaanib ng INC at mga panauhin ang dumayo sa nasabing lugar upang saksihan ang pagpapasinaya ng bagong kapilya. Maaga pa lamang ay dumating na sila sa nasabing dako upang dumalo sa unang pagsamba na isasagawa.

Para sa mga kaanib na nakadalo, ang pagdalo sa mga pagsamba ay nagdudulot sa kanila ng pagpapala at nagpapatibay sa kanilang pananampalataya.

Ipinarating din nila ang taos puso nilang pagpapasalamat kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister dahil sa patuloy nitong maayos na pangunguna sa Iglesia Ni Cristo na nagbibigay ng kasiglahan sa bawat kaanib sa lahat ng dako saan mang panig ng mundo.

(Eagle News Haydee Jipolan, Christianne Pua, at Roan Asaytono – Samal Island Correspondents)

850514405_117264_8092231093191145749

850517868_20518_15314990884508546489

850518841_125400_10488468235000587096

850519149_120469_17729850063152751242