Inter-agency Contingency Seminar, isinagawa sa Rizal

Isinagawa ang isang inter-agency contingency seminar sa lalawigan ng Rizal na mayroong layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mamamayan kaugnay ng pagiging handa sa mga hindi inaasahang kalamidad o sakuna na maaring mangyari.

Ang seminar na ito ay pinangunahan ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Kasama rin sa nasabing seminar ang limang barangay na sakop ng lalawigan, ilang bombero, DOST-PAGASA, Philippine Marines, mga departamento ng munisipyo at ang non-government organization.

(Agila Probinsya Correspondent Bernard Gamba, Magnolia Tejada, Edna Martinez, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)