Inauguration ng Housing at Eco-farming Project ng Iglesia Ni Cristo, matagumpay na naisagawa

SOUTH Cotabato, Philippines — Payapa at matagumpay na naisagawa ang Lingap-Pamamahayag at Medical and Dental mission sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato na pinangunahan ni Kapatid na Edurdo V. Manalo, Executive Minister ng Iglesia ni Cristo nitong Biyernes, Mayo 27.

Kaanib man o hindi sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay nabigyan ng pagkakataon na makatanggap ng lingap at serbisyo-medikal sa nasabing aktibidad.

Kaalinsabay ng nasabing aktibidad ay ang pagpapasinaya sa Housing at Eco-farming Community Project na pinangunahan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Layunin nito na matulungan ang mga residente doon na mabigyan ng maaring pagkakakitaan at magkaroon ng tirahan lalo na ang mga katutubong B’laan.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sapagkat damang-dama nila ang pagmamalasakit ng Kapatid na Eduardo V. Manalo sa kanilang naging pangangasiwa at pagkakaloob ng Housing at Eco-Farming Community sa nasabing dako.

(Details and Photos by EBC, Bong Jancilan, Eagle News Service, MRFB)