Illegal gambler, huli sa Capiz

CAPIZ, April 16 — Inaresto ng mga kapulisan mula sa Tapaz Police Station si Jun Tuyan y Calindo residente ng barangay Wright Tapaz, Capiz.

Ayon sa ulat ng Arresting Officer, nakatanggap sila ng sumbong na may nagaganap na illegal gambling o daily double kung tawagin sa Barangay Libertad Proper Tapaz, Capiz.

Habang patungo ang mga kapulisan sa lugar na ito ay nakasalubong nila si Jun Tuyan Calindo na may dala dalang ballpen, mga piraso ng papel na ginagamit bilang cotejo at cash money.

Ang nasabing suspek ay nasa kustodiya na ng Tapaz Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Agila Probinsya)