Ilang mga lugar sa Subic Bay, binaha rin

(Eagle News) — Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan mula pa kaninang umaga, ilang mga lugar sa Subic Bay sa lungsod ng Olongapo ang binaha.

Hirap ang mga sasakyan na makadaan sa mga kalsadang nalubog sa tubig-baha.

Ang ilan sa mga lugar sa nasabing lungsod na may kataasan ang tubig baha ay ang Tipo Road na daan papasok sa SCTEX at ang Dewey Avenue na daan papalabas sa Kalaklan gate ng Subic Bay. Belle Cabigayan