Ilang lugar sa Nueva Ecija mawawalan ng kuryente bukas

GAPAN, Nueva Ecija (Eagle News) — Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente sa sa ilang baranggay sa bayan ng San Antonio, San Isidro at Gapan sa Nueva Ecija bukas, Hulyo 19.

Sa inilabas na advisory ng Nueva Ecija Electric Cooperative o NEECO 1, ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon.

Ito ay para bigyang daan ang pagsasaayos ng mga poste at linya ng kuryente sa mga nasabing lugar.