Ilang lugar sa Cavite mawawalan ng suplay ng tubig

AGOSTO 7 (Agila Probinsya) — Muling nagpaalala ang Maynilad Water Services sa kanilang mga costumers sa lalawigan ng Cavite na mag-ipon na ng tubig.

Ito ay kasunod ng scheduled water interruption ng Maynilad simula sa Lunes na tatagal rin ng ilang araw.

Batay sa schedule ng Maynilad, ang water interruption ay magsisimula ng August 10, Lunes, ala una ng hapon hanggang August 13, Huwebes, alas diyes ng gabi.

Kasama sa apektadong lugar sa Cavite ay ang Rosario, Imus, Noveleta, Cavite City, Kawit at Bacoor.

ANg water interruption din ay dahil sa gagawing realignment ng Maynilad sa kanilang primary pipeline sa Tondo, Manila.