Ilang landslides, naitala sa Catanduanes

/Provincial Disaster Risk Reduction Management Office-Catanduanes/

Ni Orlando Encinares
Eagle News Service

VIRAC, Catanduanes (Eagle News) – Ilang landslide ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kamakailan.

Ilan dito ay nangyari sa Brgy. Paniquihan at Brgy. Benticayan sa bayan ng Baras.

May naitala rin sa mga bayan ng Viga at Gigmoto.

Hanggang ngayon ay inaalam pa kung may mga naapektuhan sa pangyayari.

Ayon sa Provincial Disaster RIsk Reduction Management Office, sanhi ito ng bagyong “Agaton” at ang nararanasang mga pag-ulan dahil naman sa tail of the cold front.

Itong huli, ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services and Administration (PAGASA), ay nakakaapekto sa lalawigan ng Bicol.

Kung may mga untoward incident or eventualities ay maaaring tumawag sa mga hotline:

PDRRMO/Catanduanes Rescue Emergency Hotline
Smart/TNT: 09126707777
Globe/TM: 09151496819