Ikalawang namatay sa COVID-19 sa Mindanao, inilibing sa Marawi City




(Eagle News) — Inilibing agad ang COVID-19 positive na pasyente sa Marawi City na pumanaw noong Martes, Marso 17.

Ang nasabing pasyente ay isang 58-anyos na lalaki na na-admit sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City noong Marso 10.

Ang dahilan ng kaniyang kamatayan ay Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to COVID-19.

Tanging mga health workers lamang na nakasuot ng protective suits and gear ang sumaksi sa paglilibing sa pasyente sa Maqbarah Provincial Public Cemetery nitong Martes, Marso 17, bandang alas-4 ng hapon.  Namatay naman ito ng 6:41 ng umaga nitong Martes din.

Siya ang ikalawang namatay dahil sa COVID-19 sa Mindanao.  Ang naunang namatay na confirmed case sa Mindanao ay taga-Lanao del Sur.

(Mil Bazar, Eagle News Service correspondent sa Marawi City)