Ika-151 kaarawan ni Apolinario Mabini, Ginuniuta sa Batangas

HULYO 24 (Agila Probinsya) — Ginunita sa Batangas City ang ika-sandaan at limanpu’t isang kaarawan ni Gat Apolinario Mabini.

Si Apolinario Mabini ay ipinanganak sa Talaga, Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Siya ay kinilala bilang “Dakilang Lumpo” at naglingkod bilang kauna-unahang punong ministro noong 1899.

Siya ay naging paralitiko dahil sa sakit na polio subalit hindi ito naging hadlang upang itigil niya ang pagtulong sa Katipunan at lumaban sa mga mananakop.

(Agila Probinsya Correspondent Ghadzs Rodelas)