Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng lingap sa Isabela

30ec0dcb-d7bc-41f1-b142-74ea870a54c0

ROXAS, Isabela (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang Lingap sa Mamamayan sa Roxas, Isabela nitong Sabado, October 22. Nagsimula ang nasabing aktibidad bandang 7:00 ng umaga sa pangunguna ni Bro. Daniel M. Castro, District Minister ng Isabela West.

Dinagsa ng mga miyembro ng INC maging ang hindi pa kaanib nito ang nasabing Lingap sa Mamamayan na handog ng Felix Y. Manalo foundation. Labis na nagpapasalamat ang mga INC members sa nasabing lugar dahil walang napahamak sa kanila sa nagdaang Bagyong Lawin.

Nagpaabot din sila ng pasasalamat kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister dahil sa tulong kanilang natanggap. At ang pangako nila ay patuloy  silang makikipagkaisa sa lahat ng aktibidad sa loob ng INC.

Ronald June Sinense – EBC Correspondent, Roxas, Isabela