Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap Pamamahayag sa Nueva Ecija

Nagsagawa ng Lingap Pamamahayag ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Barangay Villa Floresta sa San Jose City, Nueva Ecija. Kahit naman bulubundukin at ang iba ay kinakailangan pang maglakad patungo roon, naging matagumpay ang ginawang aktibidad at marami ang nakipagkaisa.