Iglesia ni Cristo nagsagawa ng isang Blood Donation Activity

Isang blood donation activity ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong hindi lamang sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo maging sa mga hindi pa kaanib na nangangailangan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng maraming donors na nagmula pa sa iba’t-ibang lokal ng Iglesia ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga.

(Eagle News Correspondent Liezeil Rueco, Eagle News Service, MRFaith Bonalos)