Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng feeding program sa Urdaneta City District Jail, Pangasinan

URDANETA, Pangasinan — Sa Pangasinan, nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng isang feeding program para sa mga preso sa Urdaneta City District Jail.

Laking pasasalamat naman ng mga preso at mga namamahala sa bilangguan sa malasakit na ipinakita ng INC.

Ayon kay Major Roque Narciso, malaki ang maitutulong ng isinagawang aktibidad sa loob ng piitan lalo na ang spiritual needs ng mga nasa loob pati na rin sa aspeto ng materyal.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Kapatid na Nelsog Mañebog, ang Tagapangasiwa ng Distrito ng Pangasinan East kasama ang iba pang mga ministro ganoon na rin ang kanilang mga maybahay.

(Agila Probinsya Correspondent Report by Rusell Failano, Description by MRFB)