Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng blood donation activity sa San Fernando, Pampanga

By Jo Ann David
Eagle News Service

SAN Fernando, Pampanga, Pebrero 10 — Isang blood donation activity ang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na ginanap sa multi-purpose hall ng New Era University, city of San Fernando, Pampanga, noong nakaraang Sabado, Pebrero 6, 2016.

Ang blood donation na ito ay isang proyekto ng Christian Family Organization o CFO ng Iglesia Ni Cristo na ang layunin ay makalikom ng dugo para sa mga kababayan natin kaanib man o hindi ng INC sa panahon ng kanilang pangangailan nito. (Report by Judith Llamera)