Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng blood donation activity sa Ilocos Norte

Isinagawa sa lalawigan ng Ilocos Norte ang isang blood donation sa pakikipagtulungan ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng Batac City, na pinangunahan ni Dr. Modesty A. Leaño.

Ito ay isinagawa sa Laoag City Auditorium ang aktibidad na ito sa pangunguna ng kapisanang Pansambahayan sa layunin na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo sa panahon ng “emergency”.

Lubos na nakipagkaisa ang mga kaanib na mula pa sa iba’t-ibang lokal sa buong lalawigan. Sa kabuuan 28 donors ang nakapasa sa screening ng medical personnel ay nakakolekta ng 13,000 cc ng dugo. Ang naipong dugo ay ilalagak sa “blood bank” ng nasabing medical center.

(Agila Probinsya)