HR officer ng Health Office sa Sulu, patay sa pamamaril

JOLO, Sulu (Eagle News) – Patay sa pamamaril ang isang kawani ng Sulu Integrated Provincial Health Office sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, nakilala ang nasawi na si Edmiraldo “Emerald” Sollano Wee, isang human resource (HR) officer sa nasabing health office. Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaniyang ulo na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng kaniyang motorsiklo pauwi ng bahay ang 38-anyos na biktima nang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Brgy. San Raymundo.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang Special Forces ng militar habang kinordon naman ng mga tauhan ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army ang Metro Jolo upang mas mabilis na matunton ang mga suspek. (Eagle News Service)

 

https://www.youtube.com/watch?v=RRU2R-F_iCU&feature=youtu.be