Himig Buklod isinagawa sa Pangasinan

Sa Pangasinan, naging matagumpay ang isinagawang himig buklod ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t ibang lugar sa probinsya.
Ang Buklod ay kapisanan ng mga may asawang miyembro sa loob ng INC.

Ang lokal ng San Bartolome ang itinanghal sa bayan ng Carmen,habang kapwa rin nag-kampyon ang lokal ng Sto. Tomas at Mangampag.

Nakamit naman ng lokal ng Asingan ang kampeonato sa Asingan Area at lokal ng San Juan naman sa area ng San Manuel ang naging kampyon.

Layon ng nasabing aktibidad na mapasigla at mapatatag ang samahan ng mga kaanib sa INC.