Ginagawang Fishport sa Camarines Sur inereklamo ng alkalde ng Calabanga

MAYO 1 — Inereklamo ni Mayor Eduardo Severo ng Calabanga Camarines Sur ang nakita nilang mga bitak sa semento sa ginagawang fishport na pinondohan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ito ay matapos ang inspeksyon ginawa ng alkalde bilang tugon sa mga reklamo ng mga residente doon.

Sa panayam, binigyang diin ng alkalde na ang proyekto ay pinondohan ng DOTC at ipinarating na nila ang problema sa pamamagitan ng sulat kay Hon. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na tumugon naman kung saan ay magpapadala umano ito ng inspection team.

(Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio, Eagle News Service Dexter Magno MRFaith Bonalos)