Gas tanker bumaliktad, sumabog

Padre Burgos, Quezon (Eagle News) — Isang gas tanker ang sumabog pagkatapos na bumaliktad sa isang heavy curve sa bayan ng Padre Burgos, lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Boy Magpantay, may-ari ng bahay na malapit sa pinangyarihan ng insidente, isang malakas na pagsabog ang kanyang narinig humigit ng bandang 4:30 ng umaga ng Biernes, June 17.  Halos umabot diumano sa kaniyang bahay ang tindi ng init na resulta ng malakas na apoy mula sa nasusunog na tanker.

Ayon din sa ilang nakakita sa pangyayari, namatay ang makina ng tanker habang binabagtas ang heavy curve at palusong na daan patungo sa kabayanan ng Padre Burgos hanggang sa ito ay bumaliktad.

Sa kasalukuyan ay naapula na ang apoy ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Bayan ng Padre Burgos.  May isang bahay na naabot ng sunog bunga ng pagsabog ng tanker.

Courtesy: Armando Magandia, Jr. – Quezon Eagle News Correspondent

851302766_127615_1891207004539034113 851302922_127261_6679244666500390867 851411047_90761_2753292063640429930 851411213_91214_14401032782066240650 851418107_92306_5982848727226984301 851418722_92504_4810575160241214374 851422344_91177_4154821472869390800