Fun Run Exercise ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, isinagawa sa Davao

Masayang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang Fun Run Exercise na nagsimula sa JP Cabaguio Street at nagtapos naman sa Victoria Plaza, Davao City.

Ang nasabing Fun Run Exercise ay nilahukan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal ng distrito ng Davao West.

Layunin ng nasabing aktibidad na lalong patatagin ang samahan ng bawat isa, mapasigla ang kanilang mga kalusugan na siyang makatutulong sa kasiglahan ng kanilang paglilingkod.

(Agila Probinsya Correspondent Haydee Jipolan)