Flyers ukol sa anti-motornapping at anti-akyat bahay tips ipinamahagi ng PNP sa Tarlac

SANTA IGNACIA, Tarlac (Eagle News) – Namahagi ng flyers ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng Santa Ignacia, Tarlac sa 24 Barangays. Ang nasabing flyers ay tungkol sa “Anti-Motornapping at Anti-akyat bahay Tips” para maiwasan na mabiktima ng mga taong masasama ang loob.
Layunin nito na maipagbigay-alam sa residente kung ano ang kanilang gagawin kung masuong man sa ganitong sitwasyon at upang maiwasan na ring mabiktima ng masasamang loob.
Ismael Mateo – EBC Correspondent, Tarlac