Family Fun Day ng Iglesia Ni Cristo

Matagumpay na naisagawa ang Minister’s Family Day sa distrito ng Zambales South sa isang resort sa Olongapo City.

Masayang masaya ang bawat pamilya ng mga evangelical minister at evangelical workers Ng Iglesia Ni Cristo na dumalo sa okasyon.

Nagkaroon ng  iba’t ibang magagandang palaro na inihanda ng kapisanang pansambahayan sa pangunguna ni kapatid Na Joseph Ocon, ang Katiwala sa Kapisanang Pansambahayan ng distrito. Katulad ng Deal or No Deal, Pinoy Henyo, Minister’s Bluff, Compatibility Test at marami pang iba.

Mayroon ding mga magagandang awitin na inihandog ng isang kilalang banda sa siyudad. Hindi rin nawala ang masasarap na pagkain.

Lalong nagbigay tuwa sa kanila ang mga iginayak na premyo sa mga nanalo sa palaro, gayundin, ang tinanggap   na  suvenier ng bawat pamilya.

Bago natapos ang masayang aktibidad ay pinakinggan ng kapulungan ang magandang mensahe ng District Minister, ang kapatid na Emilio DL. Santiago, na nagdulot ng lalong inspirasyon sa mga dumalo.

(Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)