Family Development Session isinagawa sa Capiz

Kaugnay ng ika-dalawampung buwang selebrasyon ng Police Community Relations Month na may temang “Matibay na ugnayan ng mamamayan at pulisya, Simbolo ng kapayapaan at kaunlaran ng Sambayanan at ng National Disaster Conciousness Month na may temang: “Pamilya at Pamayanang handa, katuwang sa pag-unlad ng bansa,” ay isinagawa ang Family Development Session sa Dapian, Capiz.

Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng mga benepisyaryo ng 4P’s at pinangunahan ito ng Sapian Municipal Police Station.

(Agila Probinsya Correspondent Nathaniel Flores)