EVM Cup Minister’s edition sa Cagayan

Isinagawa ang  EVM Cup sa lalawigan ng  Cagayan. Kasama sa nasabing sports event ang lalawigan ng  Abra at Ilocos Norte.

Ginanap ito sa David’s  Sports And Fitness Center sa Brgy. Barit, Laoag City.

Kasamang dumalo sa nasabing event ang mga evangelical minister at evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa mga nasabing probinsya. Kasama din nila ang kani-kanilang pamilya.

Nagkaroon ng volley ball games na nilahukan ng mga kababaihan na dumalo at naging pinakatampok ng event ay ang basketball games.

Tinanghal naman ang distrito ng Ilocos Norte na champion sa basketball games.

Naging matagumpay ang nasabing event at naging masaya ang lahat ng mga dumalo. Hindi lang naipakita ang pakikipagkaisa at pag-iibigang magkakapatid.

(Agila Probinsya Dexter Daligcon, Alejandro Javier)